Pero bakit kaya sa mundo ng basketball, eh hanggang ngayon ay walang gustong maniwala kay Kris?
Lahat kasi nang napagtanungan ko eh kundi hindi kibit balikat ang sagot eh tatawa lang. Bakit kaya?
Gayunpaman, mas tahimik ang kampo ni Alvarez dahil bagamat sa parehong artista sila involves, ay magkaiba naman ng level ang dalawa, dahil sikat na artista si Kris magaling na TV host bukod sa pagiging dating anak ng presidente ng bansa, habang si Kyla ay magaling na singer. pagiging artista dahil singer si Kyla.
Gayunpaman, sina James at Rich ay kapwa basketbolista at pawang kandidato sa pagka-ROY award. Kaya nga nag-iingay daw ay dahil isa ito sa paraan para matanim sa isip ng ilang boboto sa PBA ang pangalan ni James.
Naku, ano ba yan. Wag naman sanang ganun. Kasi in fairness naman kay James magaling naman siyang player at ganundin si Rich. Performance-wise, masasabing credible ang dalawa na pagpilian para sa naturang award.
Iyan nga ba ang hirap kapag sa artista na involved eh. Tsismis at intriga ang kasama. Isipin naman sana nila ang kredibilidad nina James at Rich bilang players dahil hindi naman kasama kung kanino sila involve para maging basehan ng kanilang performance.
Eh kung talaga namang in love sa isat isa sina Kris at James eh di bigyan naman natin ng laya ang kanilang dam-damin.
Thats love ika nga!!!