Labanan nina Baculi at Garcia mula PBL hanggang NCAA
June 21, 2005 | 12:00am
Mula sa Philippine Basketball League (PBL) hanggang sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Muling magkukrus ang landas nina Junel Baculi at Caloy Garcia sa kanilang pag-giya sa nagdedepensang Philippine Christian University at College of St. Benilde, ayon sa pagkakasunod, sa pagsambulat ng 81st NCAA mens basketball tournament na magbubukas sa Sabado sa Araneta Coliseum.
Matatandaang nagkagirian sina Baculi, umaktong PBL technical official, at sina Garcia at assistant nitong si Jorge Gallent matapos ang Game 4 ng 2005 PBL Unity Cup Finals na pinagharian ng Paint Masters kontra Montaña Jewels.
Si Gallent ay inaasahan ring tutulong kay Garcia sa bench ng Blazers, habang ma-mandohan naman ni Baculi ang Dolphins.
Target ng PCU ang kani-lang pangalawang sunod na korona makaraang tulungan ni dating mentor Loreto Tolentino noong nakaraang taon laban sa University of Perpetual Help Dalta System.
"We will prove na hindi fluke yung championship ng team. We are going for a back to back title na objective talaga namin this year," sabi ni Baculi, aasa kina Rookie of the Year at Most Valuable Player Gabby Espi-nas, Jason Castro, Ian Garrido, Robert Sanz at Mon Retaga.
Ang San Beda Red Lions ang unang maghahamon sa titulo ng Dolphins sa kanilang laro sa alas-2 ng hapon matapos ang isang maikling opening ceremony na pangangasiwaan ng host Letran College sa ala-1 sa Big Dome.
Ang upakan ng Letran Knights at Perpetual Altas ang susunod na laban sa alas-4 ng hapon bago ang salpukan ng San Sebastian Stags at Mapua Cardinals sa alas-6 ng gabi at banggaan ng Jose Rizal Heavy Bombers at St. Benilde Blazers sa alas-7:30. (Ulat ni R. Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended