Gahol PBAPC Player of the Week
June 21, 2005 | 12:00am
Kung mayroon mang hindi malilimutang tira bago matapos ang kasalukuyang ginaganap na Gran Matador PBA Fiesta Conference ito ay ang tres na pinakawalan ni Brian Gahol tatlong segundo na lang ang nalalabi sa Game Three ng quarterfinal series ng Red Bull at Alaska Aces.
Ito ay nasa win o lose na sitwasyon para sa Barakos at nang tumawag ng timeout si Red Bull coach Yeng Guiao, sinabi nito na kapag nakakita ng butas para sa tres ay agad na tumira. Sa katunayan, naghahabol ang Barakos sa 86-84 nang pakawalan ni Gahol ang isang three point shot.
Nakawala si Gahol mula kay Reynel Hugnatan at tumanggap ng pasa mula kay Warren Ybañez at walang gatol na nagpakawala ng tres na suwerteng pumasok at nagbigay sa Barakos ng 87-86 bentahe laban sa Alaska. May tatlong segundo pa ang Aces na baligtarin ang pangyayari ngunit isang travelling violation ang ginawa ni Mike Cortez.
Dahil sa kabayanihang ito, napiling PBA Player of the Week si Gahol na tumirada ng 8 puntos, 2 rebounds at isang steal sa loob ng 20 minutos na paglalaro na kumpara sa kanyang mga ka-teammate ay mababa ang kanyang mga numero, ngunit sapat na para sa kara-ngalan para sa linggong mula June 12-19.
At walang tututol sa kanyang mga kakampi dahil ang tres na iyon ang nagdala sa Barakos sa semis kontra sa San Miguel Beer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended