^

PSN Palaro

Gabica, Orcullo, Alcano at Corteza top seed sa Cebu 9-Ball

-
CEBU City-- Hinirang na top seeds sina Antonio Gabica, Dennis Orcullo, Ronnie Alcano at Lee Van Corteza sa pag-sargo ng 4th Sun Star Super Balita 9-Ball Challenge ngayon sa SM City Trade Hall.

Ang event ay nagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo bilang pinaka-prestihiyosong billiards tournament sa South-ern Philippines na nag-aan-yaya sa pinakamahuhusay sa buong bansa na subukan ang galing ng mga pinakamama-galing sa rehiyon.

Sina Gabica at Orcullo ang 2002 at 2003 champions habang runner-up naman si Corteza noong nakaraang taon sa nagkampeon na si Elmer Haya na nasa United Arab Emirates na ngayon.

Si Alcano, ang bagong golden boy ng Philippine billiards, ay nagwagi naman sa Manila leg ng katatapos na 2005 San Miguel Asian 9-Ball Tour kamakailan.

Ang main draw ay kinabibi-langan ng mga Cebuano na sina Warren Kiamco at Leonardo Andam, SEA Games gold medalist Victor Arpilleda at mga promising na kabataan na sina Richard ‘Golden Boy’ Aguilar, Jharome Peña at ‘Jeff Bata’ de Luna.

Sina Aguilar, Peña at de Luna ay pawang mga regular campaigners sa TM Philippine 9-Ball Champions League at isa sa mga sinasabing super-stars sa hinaharap.

Sila ay makikipaglaban sa 12 slots upang makasama ang apat na seeded players sa Round of 16 sa June 21.

Ang semifinals ay sa June 22 at ang finals ay sa June 23.

ANTONIO GABICA

BALL CHALLENGE

BALL CHAMPIONS LEAGUE

BALL TOUR

CITY TRADE HALL

DENNIS ORCULLO

ELMER HAYA

GOLDEN BOY

JEFF BATA

JHAROME PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with