Dutch at Korean cue artists babangon sa masamang performance
June 20, 2005 | 12:00am
May malaking tsansa sina Dutchman Neils Feijen at Korean Jeong Young Hwa na paangatin ang kani-kanilang masamang performance sa kanilang nakatakdang pagbi-sita sa bansa para sumabak sa Philippine International Open 9-Ball Championships sa Hunyo 25-29 sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Nabigo si Feijen na maka-lusot sa elimination ng On Cue 1: Philippines vs Europe 9-Ball Tournament noong 2003 ang una at natatanging panimula niya sa local billiards tourna-ment.
Bagamat madalas ang pagbisita ni Jeong, hindi naman naging maganda ang kanyang presensiya kung saan hirap siya na makaligtas sa anumang nakalipas niyang mga kampanya sa bansa.
Ang dalawang bisita ay muling makikipagtagisan ng lakas sa European standouts na sina Steve Davis at Alex Lely.
Ang iba pang seeded players sa 32-man tournament ay ang mga local bets na sina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django" Bustamante at Alex Pagulayan, Satoshi Kawabata at Kunihiko Takahashi ng Japan, Wu Chia-Ching, Chao Fong Pang at Yang Ching Shun ng Taiwan, Johnny Archer, Gabe Owen, Rodney Morris, Corey Deuel at Charlie Williams ng United States at European pool stars Mika Immonen, Thorstenn Hoh-mann, Tony Drago, Marcus Chamat at Thomas Engert.
Ang iba pang 12 slots ay pupunan ng mga top finishers sa qualifying round na itinakda sa unang dalawang araw ng kompetisyon.
Inaasahang dodominahin ng mga Pinoy cue artist na sina Marlon Manalo, Ronnie Alca-no, Dennis Orcullo, Antonio Gabica at Nickoy Lining ang qualifier, pero pagsapit sa main draw siguradong dadaan sila sa butas ng karayom sa kani-lang pakikipaglaban sa mga dayuhang pool artists.
Ipalalabas ang aksiyon sa limang araw na event na ito ng live sa Solar Sports mula alas-2 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended