^

PSN Palaro

Pagod na Shell taob sa Talk N Text

- Carmela Ochoa -
Inabot na ng kapaguran ang Shell Velocity na siyang dahi-lan para do-minahin sila ng Talk N Text na nagtala ng 97-74 pa-nalo sa Game-One ng Gran Matador PBA Fiesta Con-ference semi-finals na nagbu-kas nga-yon sa Araneta Coliseum.

Dahil diretso na sa semis round ang Phone Pals pagkatapos ng elimi-nations dahil sa kanilang nakuhang awtomatikong semis slot na ipinagka-loob sa top-two teams, nakapag-charge ng husto ang Talk N Text na kani-lang pinakinabangan para kunin ang 1-0 bentahe sa best-of-five semis series.

Sa likod ng kahinaan ni import Jerald Honey-cutt na tumapos lamang ng siyam na puntos, apat na locals ang umangat sa pangunguna nina Jimmy Alapag at Victor Pablo na tumapos ng tig-17 puntos upang pangunahan ang Phone Pals.

Nagsimulang kuma-wala ang Talk N Text sa ikalawang quarter nang kanilang batakin ang 20-15 kalamangan sa first quarter sa 44-31 bentahe pagsapit ng halftime.

Ang pinakamalaking kalamangan ng Phone Pals na may seven game winning streak na laban sa Shell ay 27-puntos sa ikaapat na quarter, 81-54, 8:01 minuto ang nalala-bing oras sa laro.

Dala ng hirap na dina-nas sa wild card kung saan kinailangan ng Shell, seeded No. 9, ng dala-wang panalo laban sa No. 4 na Sta. Lucia na may twice-to-beat advantage at dalawang panalo laban sa Purefoods sa kanilang best-of-three quarterfinal series, hindi na natibag ng Turbo Chargers ang nai-pundar na kalamangan ng Phone Pals.

Ang tanging oposis-yon na nagawa ng Shell ay ibaba sa 17-puntos ang kanilang deficit sa pamamagitan ng 10-0 run, 64-81 bago tuluyang lagukin ang kanilang kabiguan.

Naglalaban naman sa kasalukuyan habang sinusulat ang balitang ito ang Red Bull at San Miguel sa pagsisimula rin ng kanilang sariling best-of-five semifinal series.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

FIESTA CON

GRAN MATADOR

JERALD HONEY

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

RED BULL

SAN MIGUEL

SHELL VELOCITY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with