Naglabas ng agresibong performance, nanaig ang 29-anyos na si King sa kanyang unang laban, 232-180 laban kay Hsiao upang ipuwersa ang sudden-match na kanyang pinagwagian rin sa iskor na 210-192.
Kumita si King ng P150,000 para sa kanyang panalo, habang nag-uwi naman si Hsiao ng P75,000 sa event na ito na inorganisa ng Philippine Bowling Congress at sanctioned ng Asian Bowling Federa-tion.
Unang pinatalsik ni King ang first-block leader at second seed Taiwa-nese na si Cheng Chao Sheng at ang first match winner Australian Andrew Frawley, 236-221 sa second match upang isaayos ang kanilang championship showdown
Samantala, sa Ladies Masters division, sinungkit ni Tsai Hsin Yin ng Taiwan ang top-ranked at kababayang si Wang Yu Ling para sa korona.
Hiniya ng 36-anyos na is Tsai si Wang sa unang laban, 197-183 at nanalo rin siya sa second match, 256-223 upang kunin ang P100,000 (US$1,800) top prize.