Pagho-host ng SEA Games 'di apektado sa 'Gloriagate'

Sa kainitan ng kontrobersya hinggil sa tinatawag na ‘Gloriagate’ sa Malacañang, kumpiyansa ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) na hindi maaapektuhan ang panga-ngasiwa ng bansa sa 23rd SEA Games sa Nobyembre.

Ito ang sinabi ni PHILSOC chairman Roberto Pagdanganan kahapon kasabay ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa hanay ng mga sports officials at ilang Mayors para sa mga playing venues na ilalatag sa naturang biennial event.

"We certainly can do better but to be frankly be honest, we refused to be distracted by all these things happening," ani Pagdanga-nan. "We hope it will be resolve pretty soon so we can move forward."

Hindi lamang ang mga taga-Metro Manila, isa sa mga lugar na pagdarausan ng mga sports events ng 2005 Philippine SEA Games, ang nangangamba sakaling magkaroon ng destabilisasyon.

"Hindi mangyayari ‘yon. Wala kaming inisyatiba dahil hindi naman papayagan ng mga Filipino na mangyari ‘yon," sabi ng PHILSOC chief. "There is no need for a second option."

Ito ang ikatlong pagkakataon na pamamahalaan ng Pilipinas ang SEA Games matapos noong 1981 at 1991, ang taon kung kailan kumolekta ang mga Pinoy ng kabuuang 91 gold medals kumpara sa 92 ng overall champion Indonesia.

Umaasa rin si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na magiging maayos ang 2005 SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.

"Although this society is not a picture of perfection, let sports be the unifying tool in this nation. Let us all set aside our differences para sa bansa natin," ani Ramirez.

Ang mga venues na pagdarausan ng ilan sa 41 sports ay ang Ynares Center sa Antipolo City (men’s basketball), Ateneo Blue Eagle Gym (women’s bas-ketball), Amoranto Velodrome (cycling), Makati Coli-seum (billiards at snooker), La Mesa Dam (rowing at traditional boat race), Makati Sports Club (squash), Pasig Sports Center (fencing), Phil-Sports Arena (badminton), Rosario Sports Arena (softball), Rizal Memorial Sports Complex (baseball, athletics, table tennis, lawn tennis at wrestling), ang Trace College sa Los Baños, Laguna (aquatics) at ang Tagaytay City (chess at road races). (Ulat ni Russell Cadayona)

Show comments