Magbagsakan na kaya ang mga lobo at confetti?

May mabigat na hamon si Montaña coach Robert Sison sa kanyang tropa.

"We made history by giving Montaña it’s first title in the PBL. Why not make another history by winning the title from 0-2."

Ito ang motibasyong ibinigay ni Sison sa Jewels at maganda ang naging responde ng kanyang mga bata nang ipagkait nila ang sweep sa championship series ng PBL Unity Cup sa Welcoat Paints.

Umaasa si Sison na isapuso ng kanyang mga bata ang isa na namang malaking pangarap para sa Montaña sa muling pakikipagharap sa Paint Masters sa alas-3:30 ng hapon sa Cuneta Astrodome para sa Game-Four ng kanilang titular showdown.

Gagamiting inspirasyon ng Jewels ang nakaraang 89-73 panalo para makabangon sa best-of-five series sa 1-2 panalo-talo at kailangan nilang manalo ngayon upang makahirit ng winner-take-all na Game- Five.

Matapos maudlot ang pagbagsak ng mga lobo at confetti gayundin ang inihandang selebrasyon, siguradong manggigigil ang Welcoat na matuloy na ito ngayon. Nasor-presa ang Paint Masters sa mainit na larong ipina-malas ni Alex Compton sa likod ng kanyang nama-magang paa gayundin ang eksplosibong laro ni Jondan Salvador kaya inaasahang pipigilan ng Welcoat ang dalawang ito upang tapusin na ang serye.

Inaasahang magpapamalas ng higit sa 100 porsiyentong paglalaro ang ipapamalas ni Fil-Am Anthony Washington na susuportahan naman nina Jojo Tangkay, Leo Najorda, Marvin Ortiguerra at iba pa upang ganap na makabawi sa kanilang pagkatalo sa Montaña noong naka-raang PBL Champions Cup at muling balikan ang kanilang dinastiya na nangyari noong late 90s kung saan anim na titulo ang kanilang naisukbit. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

Show comments