Gran Matador PBA Fiesta Conference: Shell kumatok sa semis
June 16, 2005 | 12:00am
Pinaralisa ng Shell ang pangunahing sandata ng Purefoods sa huling dalawang minuto ng labanan upang pigilan ang kanilang pagbangon at mapreserba ang 86-79 panalo sa simula ng quarterfinal round ng Gran Matador PBA Fiesta Conference kagabi.
Matapos bigyan ng pag-asa ni import Marcus Melvin ang TJ Hotdogs sa pagkamada ng tres na naglapit ng iskor sa 79-82, 2:21 minuto pa ang nalalabing oras sa laro, itinuon ng Turbo Chargers ang kanilang depensa sa Purefoods reinforcement.
Apat na sunod na turn-overs ang nakamit ng TJ Hotdogs, tatlo nito ay kay Melvin ang tuluyang kumitil sa tsansa ng Purefoods sa panalo.
Isang jumper ni import Ajani Williams na sinundan ng basket ni Roger Yap ang sumiguro ng panalo ng Shell na nagsulong ng kanilang isang paa patungo sa semifinals matapos kunin ang 1-0 bentahe sa best-of-three quarterfinal series.
Ang panalo ng Turbo Chargers ngayon sa pagpapatuloy ng quarterfinal series sa Ynares Center sa Antipolo City ang magluluklok sa kanila sa semifinal round kung saan naghihintay ang Talk N Text na nakakuha ng awtomatikong semis slot matapos kunin ang No. 1 spot sa eliminations.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Red Bull para sa kanilang sariling best-of-three serye kung saan ang mananalo ay sasabak sa semifinals laban sa San Miguel.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended