Shell nakalusot rin

Dahil sa maagang pagkaka-fouled-out ni import Ajani Williams, nagpamalas ng team effort ang Shell Velocity upang hatakin ang 87-85, panalo na tuluyang tumi-bag sa taglay na twice-to-beat advantage ng Sta. Lucia Realty sa Araneta Coli-seum kagabi upang makausad sa quarterfi-nals ng Gran Matador PBA Fiesta Conference.

Matapos makamit ni Williams ang ikaanim na foul, may mahigit tatlong minuto pang nalalabing oras sa laro, hindi ito naging hadlang para sa Turbo Chargers, nagta-pos bilang ninth seed sa eliminations, na kunin ang ikalawang panalong kaila-ngan para makapasok sa round of eight.

Nabalewala ang twice-to-beat advantage na taglay ng No. 4 team na Realtors na nabigong makabawi sa 74-85 pag-katalo sa Shell, na minsan ng nakagawa nito noong 1998 Commissioners Cup laban sa Purefoods para sa ikapitong pagka-kataon pa lamang na mangyayari ito sapul nang gamitin ang twice-to-beat noong 1996.

Makakasagupa ng Shell sa best-of-three quarterfinals na magsisi-mula sa Miyerkules ang mananalo sa pagitan ng FedEx at Purefoods na naglalaban sa deciding game-three ng kanilang best-of-three series na babasag sa kanilang pagtatabla sa 1-1 panalo-talo, habang sinusulat ang balitang ito.

Naisaayos na ang isa pang best-of-three quar-terfinal match sa pagitan ng No. 3 na Alaska at No. 6 na Red Bull matapos sibakin ang No. 10 na Coca-Cola at No. 7 na Barangay Ginebra ayon sa pagkakasunod sa magkahiwalay na quarter-final match-up.

Ang mananalo sa pa-gitan ng Aces at Barakos ang haharap sa No. 2 na San Miguel na dumiretso sa semifinal kasama ang No. 1 team na Talk N Text.

Matapos mabaon ng 11-puntos, 65-76, nagka-roon ng pag-asa ang Sta. Lucia nang ma-fouled-out si Williams, 3:17 ang oras sa laro nang bigyan niya ng three-point play oppor-tunity si import Ryan Flet-cher na nakahugot ng foul matapos makaiskor ng basket na nagselyo ng 18-8 paghahabol para idikit ang 83-84 ngunit nagmintis ito sa kanyang bonus shot.

Kumunekta si Chris Calaguio ng tres upang ilayo ang Shell ngunit nakadikit pa uli ang Sta. Lucia, 85-87 mula sa basket ni Kenneth Du-remdes at nagkaroon ng pag-asa sa panalo nang magmintis si Tony dela Cruz sa kanyang dala-wang krusyal na free-throws mula sa foul ni Dennis Espino.

Show comments