Cardona, PBL Unity Cup MVP
June 12, 2005 | 12:00am
Nagbunga ang mahusay na paglalaro ni Mark Cardona ng basketball nang maisubi nito ang kauna-unahang niyang Most Valuable Player title sa Achievement Awards na ginanap kahapon para sa PBL Unity Cup sa Cuneta Astrodome.
Bagamat nasibak sa semifinals ang Harbour Centre, tumatak ang eksplosibong laro ng 62 na si Cardona na siyang naging haligi ng bagitong Port Masters.
Tinalo ni Cardona sina Fil-Am Anthony Washington, ng Welcoat Paints, Jondan Salvador ng Montaña, Arwind Santos ng Magnolia at JR Quiñahan ng Granny Goose na kasama niya sa Mythical Team.
Kasama naman sa Mythical Second Team sina LA Tenorio ng Harbour Centre, Froilan Baguion ng Montaña, Leomar Najorda ng Welcoat, Dennis Miranda Magnolia at Yousif Aljamal ng NENACO-San Beda.
Si Jay-Arr Coching ng Paint Masters ang tinanghal na True Gentleman, si Reed Juntilla ng Jewels ang Instant Impact award, si Dennis Concha ng Granny Goose ang Defensive Stopper habang sina Paolo Orbeta ng Welcoat at Raymund Dula ng Toyota-Letran ang co-Academic All-Star.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended