^

PSN Palaro

Norman Black at mga bagong mukha sa UAAP

-
Pangununahan ng dating professional player at coach Norman Black ang listahan ng mga bagong mukha na magbabalik sa bench sa pagbubukas ng Season 68 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament sa July 9 sa Araneta Coliseum.

Gigiyahan ni Black, multi-titled Philippine Basketball Association coach ang Ateneo bench ngayon kapalit ng batang ex-mentor na si Sandy Arespachochaga.

Kabilang din sa mga bagong mukha, bagamat ang ang ilan dito ay umaktong assistants o consultant ng UAAP teams sa nakalipas ay sina-- Mel Alas para sa season host Adamson University, Bert Flores sa Far Eastern Univer-sity (FEU) at comebacking Manny Dandan sa National University (NU).

Kalahati sa field ay pina-natiling intact ang kani-kani-lang koponan kung saan si Franz Pumaren pa rin ang gagabay sa defending cham-pion De La Salle, ang kanyang kapatid na si Dindo Pumaren ay sa University of the East, Lito Vergara sa University of the Philippines at Nel Parado sa University of Santo Tomas.

Dumalo kahapon ang lahat ng coaches sa men, women at juniors kasama ang kani-kanilang assistants at staffs sa briefing at meeting kasama ang comebacking ring com-missioner na si Joe Lipa at head ng officials na si Romy Guevarra.

ADAMSON UNIVERSITY

ARANETA COLISEUM

BERT FLORES

DE LA SALLE

DINDO PUMAREN

FAR EASTERN UNIVER

FRANZ PUMAREN

JOE LIPA

LITO VERGARA

MANNY DANDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with