Inaasahang idedepensa ng AB Leisure ang kanilang korona na napagwagian noong nakaraang taon, at siguradong magbibigay rin ng mabigat na laban ang runner-up na The Philippine Star at iba pang mahuhusay na koponan gaya ng PLDT, Meralco, ABS-CBN, JG Summit, RCBC, Pilipinas Shell, Philippine Airlines, Inc., Del Monte, Asian Development Bank at Philam Life.
Ang iba pang koponan na magpapakita ng aksiyon ay ang Johnson & Johnson, Shell Exploration, Epson, Prudentialife, Total, Citibank, HSBC, JVC, New Zealand, Allied Bank at Globe.
Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan kung saan itinakda ang huling araw ng patalaan sa June 15, ayon sa organizing img. Ang entry fee ay P2,500 sa bawat koponan na puwedeng magpadala ng minimum na 6 players (3 men, 3 women) hanggang sa maximum na 10 (5 men, 5 women). Ang iba pang events na paglalabanan ay ang elite (masters) elite (non-pro), juniors para sa 16-and-under players, at veterans (elite at novice).
Tampok rin sa annual event na ito na itinataguyod ng giant electro-nics firm JVC (PHILS.), Inc., ang High School team invitational tampok ang girls team mula sa Poveda, La Salle Greenhills boys squad, at boys at girls teams mula sa Sienna College, University of Perpetual Help-Laguna at University of Santo Tomas. Ang mananalo sa kategoryang ito ay tatanggap ng P10,000.
Umabot na sa record na mahigit sa P1 milyon ang nakataya sa dalawang linggong event na ito na suportado rin ng Alaska, Gosen, Rudy Project, Technomarine, Lactacyd, Pioneer, Akari, Tokyo Tokyo, Aktivade, The STAR, Pinoy Exchange, Ayala Center, Power Smash, Accel, 102.5 Klite, 89.9 Magic at Solar, na pormal na magsisimula sa June 26 para sa elimination round sa Powersmash.