^

PSN Palaro

Abot kamay na ng Welcoat

-
Isang panalo na lamang ang layo ng Welcoat Paints upang muling si-mulang buuin ang kanilang naglahong dinastiya matapos ang 65-62 panalo laban sa Montaña sa Game-Two ng kanilang PBL Unity Cup titular showdown sa Cuneta Astrodome kagabi.

Bumangon ang Paint Masters sa kanilang mahinang simula at nagpa-malas ng eksplosibong laro para iselyo ang come-from-behind na panalo na nagsulong sa kanila sa 2-0 kalamangan sa best-of-five championship series na magpapatuloy sa Martes sa Cuneta Astrodome din.

Maalat ang naging simula ng Welcoat na inunahan ng 18-0 ng Jewels ngunit ibinuhos ng Wel-coat ang kanilang lakas sa ikaapat na canto kung saan nalimitahan nila ang Montaña sa limang puntos lamang kontra sa kanilang 22-puntos na produksiyon sa pangunguna ni Paolo Orbeta na umiskor ng kanyang walong puntos sa naturang yugto para makalapit sa titulo ang Welcoat.

Naupos ang 59-43 kalamangan ng Jewels sa kaagahan ng final quarter nang pakawalan ng Wel-coat ang 15-0 run upang agawin ang trangko, 61-59 mula sa layup ni Orbeta na kumumpleto ng kanyang steal, papasok sa huling tatlong minuto ng laro.

Nabawi agad ng Montaña ang trangko nang makakuha ng tatlong free-throws si Reed Juntilla na kanyang ipinasok lahat para sa 62-61 kalamangan ngunit ito na lamang ang kanilang huling oposisyon nang paigtingin ng Paint Masters ang kanilang depensa.

Umiskor si Leo Najorda ng basket at dalawang freethrows naman mula kay Fil-Am Anthony Washington para sa tatlong puntos na kalamangan ng Paint Masters, 1:35 minuto ngunit hindi rin naka-iskor ang Jewels sa kanilang mga krusyal na attempts, ang pinakahuli ay ang dalawang triple attempt ni Eric dela Cuesta na siyang tuluyang kumitil sa pag-asa ng Montaña. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

CARMELA V

CUNETA ASTRODOME

FIL-AM ANTHONY WASHINGTON

KANILANG

LEO NAJORDA

MONTA

PAINT MASTERS

PAOLO ORBETA

REED JUNTILLA

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with