^

PSN Palaro

Non-bearing pero importanteng panalo asam ng SSC at UST

-
Muling magsasalpukan ang San Sebastian College at University of Santo Tomas sa isang non-bearing ngunit importanteng laban kung saan dadalhin ng dalawang koponan ang winning feeling patungo sa semifinal round ng Shakey’s V-League first conference sa PhilSports Arena.

Sinorpresa ng Lady Stags ang defending champion na Tigress nang una silang magkita noong nakaraang buwan, 25-21, 25-22, 25-14, ang tagumpay na nagpabago sa anyo ng Recoletos-based team mula sa naghihikahos na koponan patungo sa pagiging title contender ngayong taon.

Nakapagposte na sila ng limang tagumpay laban sa isang talo para sa 6-1 baraha at isiguro ang puwesto sa semis, na isa pang round robin affair na nakatakda sa susunod na linggo.

Sa kabaligtaran, nagkumahog naman ang Tigress para makausad sa susunod na round (5-3) bagamat inaasahang makakatabla sila ngayon sa Lady Stags sa kanilang pang-alas-5 ng hapon na engkuwentro.

Inaasahang babandera sa kampanya ng San Sebastian sina Jennifer Bohawe, Cherry Macatangay at Charisse Ancheta na tatapatan naman nina Mary Jean Balse, Venus Bernal at Roxanne Pimentel ng UST.

Sa duelo ng napatalsik na koponan, maghaharap ang FEU (1-7) at Lyceum (0-9) sa ganap na alas-3 ng hapon.

Ang Ateneo (4-4) ang ikaapat na semifinalist sa torneong ito na hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, IBC-13 at Jemah Television.

Ito ay ipapalabas bukas sa ganap na alas-7 ng gabi sa IBC-13, ayon sa organizing Sports Vision Management Group, Inc.

ANG ATENEO

CHARISSE ANCHETA

CHERRY MACATANGAY

JEMAH TELEVISION

JENNIFER BOHAWE

LADY STAGS

MARY JEAN BALSE

ROXANNE PIMENTEL

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with