PBA Gran Matador Fiesta Conference playoffs: Sudden-death hatak ng Shell
June 11, 2005 | 12:00am
Sa isang napakalaking misyon, nagawa ng Shell Velocity ang unang hakbang sa tulong ni Ro-nald Tubid para maabot ang quarterfinals ng kasalukuyang PBA Gran Matador Fiesta Conference playoffs.
Kinamada ni Tubid ang 12 sa kanyang 16-puntos sa ikaapat na quarter upang panatilihing nasa malayong distansiya ang Turbo Chargers na naging susi sa kanilang 85-74 panalo kontra sa Sta. Lucia Realty sa pagpapatuloy ng wild card phase sa Araneta Coliseum kagabi.
Dahil kay Tubid, hindi lumayo sa 10-puntos ang kanilang kalama-ngan para tibagin ang kalahati ng twice-to-beat advantage na hawak ng Realtors na nagbunga ng do-or-die game na gaganapin sa Linggo sa Araneta Coliseum.
Ang mananalo sa pagitan ng Sta. Lucia at Shell ay siyang haharap sa mananalo sa pagitan ng FedEx at Purefoods sa best-of-three quarter-finals.
Samantala, hangad naman ng Purefoods at Red Bull na kubrahin ang quarterfinal slot sa magkahiwalay na best-of-three serye sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Ynares Center.
Muling sasagupain ng Barakos ang Barangay Ginebra sa alas-4:15 ng hapon at haharapin naman ng TJ Hotdogs ang FedEx sa alas-6:35 ng gabi sa Game-Two ng kanilang play-offs.
Nagkaroon ng 1-0 bentahe ang Purefoods at Red Bull matapos ang 98-87 at 99-84 panalo laban sa Express at Gin Kings ayon sa pagkakasunod kamakalawa sa pagbubukas ng wild card phase.
Muling sasandalan ng TJ Hotdogs ang kanilang bagong import na si Marcus Melvin, 68 player na produkto ng North Carolina, na kumamada ng 31-points at 22-rebounds upang ilapit ang Purefoods sa quarterfinal round.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Coca-Cola at Alaska na may bentaheng twice-to-beat matapos bumagsak sa No. 3 spot nang sila ay mabigo sa playoff para sa No. 2 spot laban sa San Mi-guel na sinamahan ang No. 1 team na Talk N Text na di na dumaan pa ng wild card at quarterfinals matapos mabiyayaan ng awtomatikong semis slot.
Ang mananalo sa Tigers at Aces ay haharap sa mananalo sa pagitan ng Red Bull-Ginebra match. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended