^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Game 1 kuha ng Welcoat

-
Nakaisang hakbang ang Welcoat Paints tungo sa kanilang hangaring makaganti laban sa Montaña Pawnshop nang kanilang kunin ang Game One ng PBL Unity Cup finals sa pamamagitan ng 82-80 panalo sa Cuneta Astrodome kagabi.

Bagamat naglaho ang siyam na puntos na kalamangan at nagmintis si Fil-Am Anthony Washington ng dalawa sa kanyang apat na krusyal na free-throws, kinatigan pa rin ng suwerte ang Welcoat sa huling maiinit na segundo ng laro para mapreserba ang panalo na nagbigay sa kanila ng 1-0 bentahe sa best-of-five champion-ship series.

Matapos ma-split ni Washington ang kanyang freethrows, umiskor si Alex Compton ng tres upang higit na makalapit sa 80-81, 16.7 segundo na lamang.

Muling nakahugot ng foul si Washington kay Paul Guerrero ngunit isang freethrow lang uli ang kanyang naipasok na nagbigay pagkakataon sa Montaña, 82-80 ang iskor, 12.7 segundo pa.

Sa unang laro, umiskor ng jumper si Jett Latonio, 1.2 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro para sa 67-65 panalo ng Granny Goose laban sa natanggalan ng koronang Magnolia Ice Cream upang angkinin ang konsolasyong ikatlong puwesto.

vuukle comment

ALEX COMPTON

CUNETA ASTRODOME

FIL-AM ANTHONY WASHINGTON

GAME ONE

GRANNY GOOSE

JETT LATONIO

MAGNOLIA ICE CREAM

MONTA

PAUL GUERRERO

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with