Semis target ng Tigress
June 9, 2005 | 12:00am
Tatangkain ng University of Santo Tomas na ipormalisa ang kanilang pagpasok sa semifinal round ng 2005 Shakeys V-League first conference sa kanilang pakikipaglaban sa walang panalong Lyceum habang target naman ng La Salle ang kanilang ikawalong panalo laban sa Far Eastern University sa Rizal Coliseum ngayon.
Ang Tigress, na nag-reyna sa inaugural ng torneong ito na hatid ng Shakeys Pizza noong nakaraang taon, ay kasalukuyang nasa third place na may 4-3 karta at nananabik na makasama ang Lady Archers at San Sebastian Lady Stags (6-1) sa semifinal round.
Ang gametime ay sa ganap na alas-5 ng hapon pagkatapos ng salpukan ng La Salle at FEU sa alas-3 ng hapon.
Habang pinapaboran ang UST kontra sa Lyceum na talsik na sa kontensiyon na walang panalo sa walong laban, inaasahan namang mabigat na hamon ang haharapin ng La Salle kontra sa FEU na umaasam ding mabigyan ng pag-asa ang kanilang pagpasok sa semis ng torneong ito na suportado din ng Accel, Mikasa, IBC-13 at Jemah Television.
Ang highlights ng laban ngayon ay isasa-ere bukas sa IBC-13 simula alas-7 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended