Wild card phase simula ngayon
June 9, 2005 | 12:00am
Magbubukas ngayon ang wild card phase ng PBA Gran Matador Fiesta Conference na dadako sa Ynares Center sa Antipolo City.
Magsasagupa ang Purefoods at FedEx sa pambungad na laro sa alas-4:45 ng hapon habang ang Ginebra at Red Bull naman ang maghaharap sa alas-7:20.
Bagong import ang gagamitin ngayon ng Purefoods na nagpalakas ng kanilang kampanya sa pagkuha ng sebisyo ng 68 na si Marcus Melvin na pumalit sa seven-footer na si Lorenzo Coleman.
Makakatapat nito ang isa sa natitirang pioneer import ng kumperen-siyang ito na si Anthony Miller.
Sasandal naman ang Ginebra kay Hiram Fuller na sasalang sa kanyang ikalawang laro na masusubukan naman kay Earl Baron ng Barakos sa kanilang sagupaan.
Ang ikalawang bahagi ng wild card phase ay isasalang naman bukas kung saan magsasagupa ang Sta. Lucia at Shell gayundin ang Coca-Cola at kung sino man ang matatalo sa pagitan ng Alaska at San Miguel kagabi.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Aces at SMBeer para sa playoff ng No. 2 slot na may biyayang awtomatikong semifinal slot.
Ang mananalong koponan ay makakasama ng Talk N Text na lalaktaw ng wildcard at quarterfinal phase at didiretso na sa semifinal round habang ang mabibigong team ay babagsak naman sa No. 3 spot ngunit mayroon itong kunsuwelong twice-to-beat advantage na meron din ang No. 4 team na Realtors.
Nangangahulugang isang panalo lamang ang kailangan ng No. 3 at 4 teams para makausad sa quarterfinal rounds habang dalawang panalo naman ang kailangan ng Turbo Chargers at Tigers.
Magbabalik ang aksiyon sa Ynares sa Sabado para sa pagpapatuloy ng best-of-three matches. Tuluy-tuloy ang aksiyon sa Linggo sa Araneta Coliseum kung saan gaganapin ang Game-Two sakaling makahirit ang Shell at Coke ng sudden-death game o kung wala ay simula na ito ng quarterfinal round. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended