^

PSN Palaro

RP takrawers sumipa ng 2 ginto

-
PUERTO PRINCESA CITY – Mainit na ibinulsa ng Philippines ang dalawang gintong medalya sa penultimate day ng International Invitational Sepak Takraw Cham-pionships-2nd Mayor Edward S. Hagedorn Cup.

At ang mga gintong medalya na ‘yun ang nagpasaya kay host Mayor Edward Hagedorn dahil nakita niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan na maaring magbigay ng magandang kinabukasan sa sports sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games na iho-host ng bansa.

Ang gintong medalya-- dalawa mula sa anim na nakata-ya sa torneo – ay galing sa Puerto Princesa at sariling women’s team ni Hagedorn ang Philippine-A at Manila-based men’s Philippine-B sa hoop event – ang event kung saan ang limang players ay sisipa ng takraw sa tatlong hoop sa ere na bawat papasok sa goal ay katumbas ng 10 points sa 15 minute period.

At ang ginintuang bunga na ito ay dagdag pa sa silver medals ng Philippine teams para sa 2-golds, 2-silvers ng bansa may isang araw pa ng kompetisyon ang nalalabi sa isang linggong pre-SEA Games event na inorganisa ng Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA) at suportado ni Hagedorn at ng city government ng Puerto Princesa.

HAGEDORN

HAGEDORN CUP

INTERNATIONAL INVITATIONAL SEPAK TAKRAW CHAM

MAINIT

MAYOR EDWARD HAGEDORN

MAYOR EDWARD S

PHILIPPINE AMATEUR SEPAK TAKRAW ASSOCIATION

PHILIPPINE-A

PUERTO PRINCESA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with