^

PSN Palaro

Ikalawang awtomatikong semis paglalabanan ng Beermen at Aces

-
Matapos ang halos isang linggong pahinga, simula na naman ng bak-bakan.

Pag-aagawan ng San Miguel Beer at Alaska Aces ang ikalawang out-right semifinal berth nga-yong alas-7 ng gabi sa pagpinid ng classification round ng 2005 Gran Matador PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum.

Ang mananalo sa pa-gitan ng Beermen at Aces, parehong nagba-bandera ng 11-7 baraha sa ilalim 12-6 karta ng semifinalist ng Talk N Text Phone Pals, ang papasok sa best-of-five semis series.

Mahuhulog naman bilang No. 3 team sa play-offs ang mabibigo kung saan siya makakalaban ng No. 10 Coca-Cola Tigers, may 6-12 rekord.

Sina import Tommy Smith, Nic Belasco, Olsen Racela, Dondon Hontive-ros at two-time Most Valuable Player Danny Ildefonso ang ihaharap ng San Miguel kontra kina dating Chicago Bulls forward Dickey Simpkins, Jeffrey Cariaso, Don Allado, Brandon Cablay at Reynel Hugnatan ng Alaska.

Sa playoffs, ang No. 4 Sta. Lucia Realty (10-8) ang lalaban sa No. 9 Shell Velocity (7-11) at ang No. 5 FedEx (9-9) ang haha-rap sa No. 8 Purefoods (7-11), samantalang ang No. 6 Red Bull (9-9) ang makakabangga ng No. 7 Barangay Ginebra (8-10).

Ang mananalo sa alin-man sa Realtors at Turbo Chargers ang makaka-tagpo ng mananaig na-man sa Express at TJ Hotdogs sa quarterfinal round.

Samantala, pinalitan naman ng Purefoods si 7-foot-1 Lorenzo Coleman upang ipasok ang 23-anyos at 6’7 na si Marcus Melvin ng North Carolina State Wolfpacks. (Ulat ni RCadayona)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BRANDON CABLAY

CHICAGO BULLS

COCA-COLA TIGERS

DICKEY SIMPKINS

DON ALLADO

DONDON HONTIVE

FIESTA CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with