Reyes, masaya sa kampanya ng Philippine Team-San Miguel
June 6, 2005 | 12:00am
Wala nang mairereklamo pa si head coach Chot Reyes sa naging kampanya ng Philippine Team-San Miguel.
Inangkin ng Nationals ang 5th place makaraang talunin ang Kuwait Club, 96-84, sa pagpinid ng 16th FIBA-Asia Champions Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Inasahan ng RP-San Miguel ang inihulog na 14-4 bomba nina Willie Miller, Romel Adducul, Nic Belasco at Dondon Hontiveros sa huling tatlong minuto ng fourth quarter para padapain ang mga Kuwaiti, nag-tampok kay dating Shell import Jameel Watkins.
Sapat na ang naturang ratsada upang iposte ng RP-San Miguel ang 90-81 bentahe kontra Kuwait Club sa huling 58 segundo.
"Like I said its a process for us to get to the stage where we play well, we have to push them how to play hard, play together in the international game," ani Reyes sa Nationals.
Isinara ng RP-San Miguel ang third period bitbit ang 69-61 abante hanggang makabawi ang Kuwait Club sa pagkuha ng 77-76 lamang mula sa isang 3-pointer ni Osamah Mubarak sa 4:36 ng final canto.
Ang pinakawalang 14-4 blast ng Nationals, ang huling dalawang freethrows ay nagmula kay Alapag, ang naglayo sa kanila sa mga Kuwaiti, 90-81, sa nalalabing 58 tikada nito. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended