Bata, Django pumiglas agad
June 4, 2005 | 12:00am
Binuksan nina Pinoy bets Efren Bata Reyes, Francisco Django, Busta-mante, Gandy Valle at Antonio Lining ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng magaan na panalo sa unang round ng final leg ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Tinalo ni Reyes si Luong Chi Dung ng Vietnam, 9-4, habang pina-bagsak ni Valle si Chan Ken-Kwang ng Singapore, 9-5.
Ang 50 anyos na si Reyes, winner ng second leg sa Jakarta ay naga-wa pang itabla sa 4-4 ng Vietnamese ngunit nilinis ng Pinoy pool legend ang pinal na limang racks upang angkinin ang panalo sa event na inorganisa ng ESPN-Star Sports.
Susunod na makaka-laban ni Reyes si Kaoshiung leg runner-up Au Chi Wai ng Hong Kong na nanaig kay Muhammad Zulfikri ng Indonesia, 9-8.
Haharapin naman ni Valle si Satoshi Kawabata ng Japan na nanaig kay Tepwin Arunnath ng Thailand, 9-3.
Nalusutan ni Bustamante ang hamon ni Kuo Po Cheng ng Chinese-Taipe, 9-8 at ginapi naman ni Lining si Yudaman Kamarudin ng Indonesia, 9-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended