^

PSN Palaro

Qatar, Iran nakakasiguro sa crossover semis

-
Kapwa nagsiguro ng puwesto sa crossover semifinal round ang Qatar-Al Rayyan at Iran-Saba Battery matapos manaig sa kani-kanilang karibal kahapon sa 16th FIBA-Asia Champion’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Binigo ng Qatar-Al Rayyan ang Kazakhstan-Tobol, 89-82, saman-talang tinalo naman ng Iran-Saba Battery ang Syria Army, 76-65, sa crossoverall quarterfinal round.

Makakasagupa ng mga Qatarians sa semis ang mananalo sa pagitan ng nagdedepensang Lebanon-Sagesse at Kuwait Club, kasalukuyang naglalaro habang sinusulat ang balitang ito kagabi.

Ang mananaig naman sa PhilippineTeam-San Miguel at Jordan-Fast Link, naglalaban rin kagabi sa huling laro sa alas-7:15, ang siyang haharapin ng Iran-Saba Battery sa semis ngayong gabi.

Kumabig ng 24 marka, 8 rebounds at 4 assists si American import Todd Day upang pangunahan ang Qatar-Al Rayyan, habang may 23 puntos, 10 boards at 4 assists naman si Erfan Ali Saeed.

Naitabla ng Qatar-Al Rayyan ang laro sa first half, 47-47 matapos silang iwanan ng Kazakhstan-Tobol sa first quarter, 25-30, mula kina Sergev Vdovin at Aleksanor Garsnin.

Sa unang laro, kinuha naman ng Indian Cagers ang 9th place nang pabagsakin ang United Arab Emirates-Sarjah, 92-82.

ALEKSANOR GARSNIN

ANTIPOLO CITY

ASIA CHAMPION

ERFAN ALI SAEED

INDIAN CAGERS

IRAN-SABA BATTERY

JORDAN-FAST LINK

KAZAKHSTAN-TOBOL

KUWAIT CLUB

QATAR-AL RAYYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with