Wala nang kawala kay Davadilla
June 4, 2005 | 12:00am
BAGUIO City Sa yo na ang titulo pero ako pa rin ang hari sa Cordillera Mountain.
Ito ang ipinahiwatig ng 2004 Tour Pilipinas champion na si Rhyan Tanguilig na nagsuko na ng kanyang titulo kay Colt 45 team captain Warren Davadilla ngunit pinatunayan naman nitong siya pa rin ang hari ng Baguio-to-Baguio Killer Stage sa pagpapatuloy ng Golden Tour 50@05.
Bagamat mas pinahaba ang Baguio-Baguio Stage 8 na umabot ng 207 kilometro matapos burahin ng mga organizers ang Kennon Road bunga ng ilang landslide kaya dalawang beses na lamang nag-akyat-baba sa Marcos Highway at Naguillian Road, ipinamalas ng PLDT team skipper na si Tanguilig ang kanyang lakas sa ahunan nang magsumite ito ng pinakamabilis na oras na 6-hours, 16-minutes at 34 seconds nang maghabol ito sa huling 17-kilometro ng karera sa lead group na kinabibilangan nina Danny Ganigan ng Guerrero Brandy at Frederick Feliciano ng BIR Vat Riders na stage runner-up at third place ayon sa pagkakasunod.
"Hinabol ko talaga ang stage win kasi mahirap nang magchampion dahil araw-araw bugbog ako at saka para na rin to sa lahat ng mga sumusuporta sa akin," wika ng 26-gulang na si Tanguilig, tubong Aritao, Nueva Ecija na siya ring nanalo sa Killer Stage na ito noong nakaraang taon kung saan naagaw nito ang overall individual leadership tungo sa kanyang tagumpay.
Matapos malaglag ang dating pumapangalawang si Tanguilig sa sixth place at naiwan ng mahigit pitong minuto ng nananatili pa ring overall leader na si Davadilla sa ikawalong sunod na araw na may total time na 32-hours, 02-minutes at 45-seconds, nabawasan na ang kanyang time deficit na may 3:42 minutong distansiya na lamang.
Gayunpaman ay ipina-pagpag na nito ang kanyang tsansang tularan ang mga back-to-back titlists na sina three-time champion Antonio Arzala, ang kampeon ng kauna-unahang cycling tour na Manila-Vigan Race noong 1955 at 1956, Jose Su-mualde (1965-66), Coenelio Padilla (1966-67), Jacinto Sicam (1981-82), at ang pinakahuli ay si Carlo Guieb noong 1993-94 at sa mga two-time champions na sina Manuel Reynante (1977 at 1980) at Renato Dolosa (1992 at 94).
"Hindi na talaga maaalis si Warren (Davadilla) sa taas. Tapos na ang karera dito," ani Tanguilig na sa wakas ay nakapagsubi na ng P10,000 stage prize matapos maunsiyami ng dalawang beses kay Davadilla sa Stage 2 at 3 kung saan nagkasya lamang sa P5,000 stage runner-up prize.
Wala nang kawala kay Davadilla ang P30,000 para sa King of the Mountain title makaraang makalikom ito ng 31-puntos ngunit kung tatanungin mo ang 1998 Cen-tennial Tour champion kung sa kanya na ang korona ay ayaw naman nitong pakasiguro.
Ang dahilan marahil ay ang nagbabantang pag-agaw sa titulo ni Frederick Feliciano ng Vat Riders na ikatlong siklistang tumawid sa finish line sa likod ng stage runner-up na si Ganigan na siya na ngayong nasa ikalawang posisyon na may agwat lamang na 1:09 minuto. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended