Kung ano ang ginawa ng Lady Archers sa pagtalo sa Lady Pirates noong unang round ay kanilang inulit kahapon, makaraang walisin ang kalaban sa isang oras at 9 minutong bakbakan, 25-18, 25-21, 25-17, at patatagin ang kanilang abante sa event na kanilang pinagharian sa 2004 second conference.
Pinasok ni Maureen Penetrante ang depensa ng Lyceum sa pamamagitan ng matutulis na spikes na nabigong pigilan ng Lady Pirates at makakuha ng 13 puntos.
Pinunan ni Michelle Carolino ang kanyang hindi magandang nilaro nang una nilang talunin ang Lyceum sa first round ng event na itinataguyod ng Shakeys Pizza, nang kumana ito ng 13 point at makipagtulungan kay Penetrante na may 12 points na karamihan ay mula sa atake.
Lumaban ang walang suwerteng Lady Pirates ngunit hindi namintini ang pananalasa ng Lady Archers at lasapin ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo sa torneong ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.at suportado ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.
Samantala, sa ikalawang laro, nasungkit ng University of Santo Tomas ang kanilang panalo makaraang umiskor ng straight-set panalo laban sa Far Eastern U, 25-16, 25-17, 25-21para sa kanilang 3-3 marka.
Solidong backup kina Penetrante at Carolino ang itinulong ni Concepcion Legaspi na may 9 puntos habang nagtala naman sina Manilla Santos at Desiree Hernandez ng tig-5 puntos para sa La Salle, na nagha-handa sa kanilang muling pagtatagpo nila ng Ateneo sa Lunes.
Ang mga tampok na aksiyon ng bakbakan ay ma-papanood mamayang gabi sa IBC-13 simula alas-7 ng gabi.