Ang nasabing panalo ang siyang nagtaas sa 4-0 baraha ng mga Qataris kasabay ng pagpapalasap sa mga Jordanians ng unang kabiguan nito sa loob ng apat na laro.
Kaagad na pumadyak sa malaking 24-10 kalamangan ang Qatar-Al Rayyan, pinangunahan ng 18 puntos ni Abdulrahaman Ali sa first poeriod hanggang palobohin ito sa pagpinid ng second quarter, 50-31.
At mula rito ay hindi na nakuha pa ng Jordan-Fast Link na makadikit kung saan sila naghabol sa third canto, 39-65.
Nag-ambag ng 15 marka, 12 rebounds at 6 na assists si dating NBA campaigner Todd Day para sa Qatar-Al Rayyan kasunod ang tig-12 puntos nina Alid Sliman Abdi, Irvis Lee Pasco at Fan Ali Saeed.
Umiskor naman si Montario Lett ng team-high 17 marka para sa panig ng Jordan-Fast Link sa itaas ng 8 ni American import Scotty Thuman.
Sa unang laro, tinalo naman ng Kazakhstan-Tobol ang Indian Cagers, 76-68 sa Group A. (Ulat ni R.Cadayona)