^

PSN Palaro

Qatar umiskor ng 3 panalo

-
Iginuhit ng Qatar-Al Rayyan ang kanilang ikatlong dikit na tagumpay matapos payukurin ang Jordan-Fast Link, 92-56 para pamunuan ang Group B sa eliminasyon ng 16th FIBA-Asia Champion’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang nasabing panalo ang siyang nagtaas sa 4-0 baraha ng mga Qataris kasabay ng pagpapalasap sa mga Jordanians ng unang kabiguan nito sa loob ng apat na laro.

Kaagad na pumadyak sa malaking 24-10 kalamangan ang Qatar-Al Rayyan, pinangunahan ng 18 puntos ni Abdulrahaman Ali sa first poeriod hanggang palobohin ito sa pagpinid ng second quarter, 50-31.

At mula rito ay hindi na nakuha pa ng Jordan-Fast Link na makadikit kung saan sila naghabol sa third canto, 39-65.

Nag-ambag ng 15 marka, 12 rebounds at 6 na assists si dating NBA campaigner Todd Day para sa Qatar-Al Rayyan kasunod ang tig-12 puntos nina Alid Sliman Abdi, Irvis Lee Pasco at Fan Ali Saeed.

Umiskor naman si Montario Lett ng team-high 17 marka para sa panig ng Jordan-Fast Link sa itaas ng 8 ni American import Scotty Thuman.

Sa unang laro, tinalo naman ng Kazakhstan-Tobol ang Indian Cagers, 76-68 sa Group A. (Ulat ni R.Cadayona)

vuukle comment

ABDULRAHAMAN ALI

ALID SLIMAN ABDI

ANTIPOLO CITY

ASIA CHAMPION

FAN ALI SAEED

GROUP A

GROUP B

INDIAN CAGERS

JORDAN-FAST LINK

QATAR-AL RAYYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with