^

PSN Palaro

Quirimit lumapit na

-
BAGUIO City – Ipinaramdam na ng Colt 45 team ang kanilang tunay na lakas.

Nagpakita ng tibay ng dibdib si Johnny Dasalla nang kanyang kunin ang Stage 7 Vigan-Baguio kung saan namintina naman ng kanyang team captain na si Warren Davadilla ang overall leadership at agawin ng kanilang koponan ang liderato sa team competition sa Golden Tour 50 @ 05 na nakarating na sa malamig na ‘summer capital’ ng bansa.

Matapos ang 217km karera na kinapalooban ng 50km na ahunin patu-ngo sa lungsod na ito na sumubok sa tunay na lakas ng 81-siklista na sinalubong ng malakas na ulan, ang 22-gulang na tubong Umingan, Pangasinan na si Dasalla ang nagsumite ng pinakamabilis na oras na 5-hours, 58-minutes at 25-seconds para sa kanyang kauna-unahang stage win na may P10,000 na premyo.

"Hindi ko inaasahan na ako ang mananalo dahil inilalaban namin ang team namin dahil ‘yun ang utos ni coach. Bahala si Warren sa overall niya, kami ang bahala sa team," wika ni Dasalla na sineryoso ang sinabi ng kanilang coach na si Carlo Guieb, ang two-time champion at nagsubi rin ng Mountain King title.

Ang kahanga-hangang pagpapamalas ng lakas ni Dasalla ay nag-angat sa kanya sa fourth overall mula sa ika-22nd na posisyon sa overall individual standings kung saan nanatili pa rin si Davadilla na lider sa ikaanim na sunod na araw sa kanyang total time na 25-hours, 42-minutes at 43-seconds.

Naiwanan na ng 1998 Centennial Tour champion na si Davadilla ng mahigit pitong minuto ang kanyang mahigpit na kalaban na si defending champion Rhyan Tanguilig ng PLDT na bumagsak sa ikaanim na pu-westo ngunit pumalit naman ang 2003 Tour Pilipinas champion na si Arnel Quirimit ng Tourism na sumegunda kay Dasalla para sa P5,000 stage runner-up prize, at mayroon na lamang itong 2:21 minutong agwat kay Davadilla.

"Okay lang na si Arnel (Quirimit) dahil hindi ko naman siya kino-consider na kalaban dahil kasama ko siya sa national team," ani Davadilla na siya pa ring magsusuot ng yellow jersey sa ‘killer lap’ na 195.08 kilometrong Baguio-to-Baguio Stage 7 na bababa ng Marcos Highway paakyat ng Naguilian road pababa uli ng Marcos at aakyat naman sa Kenon Road.

Nabalasa ng husto ang top-10 overall kung saan ikatlo na ang Stage 5 at Tour of Hundred Islands champion na si Frederick Feliciano ng VAT Riders mula sa 6th place, kasunod si Dasalla, Stage 4 winner Lito Atilano ng Metro Drug mula sa 9th, Tanguilig mula sa second, Alvin Benosa mula sa Touch Mobile mula sa fourth, Reynaldo Navarro ng Customs mula sa third, Stage 6 winner Erikson Obosa ng Go21 mula sa 8th at Fernando Alagano ng Metro Drug mula sa fifth.

Sa karera para sa Mountain King, nanatili pa ring lider si Davadilla na mayroon nang kabuuang 24-puntos matapos ku-mumbra ng 8-points kahapon kung saan nanguna si Dasalla sa KOM stretch para sa 15-puntos na naglagay sa kanya sa segundang posisyon kasama si Atilano. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALVIN BENOSA

ARNEL QUIRIMIT

BAGUIO STAGE

CARLO GUIEB

CARMELA V

CENTENNIAL TOUR

DASALLA

DAVADILLA

MOUNTAIN KING

MULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with