Montaña nalo; Welcoat bigo
June 1, 2005 | 12:00am
Magkaibang landas ang tinungo ng Montaña Pawnshop at Welcoat Paints.
Habang nakuha ng Jewels ang 2-0 lead palapit sa inaasam na finals appearance nawala naman ito sa mga kamay ng Paintmasters.
Pinayukod ng nagdedepensang Magnolia-FEU ang Welcoat, 75-62 sa Game 1 upang itabla ang kanilang best-of-five semifinals series sa 1-1 sa 2005 PBL Unity Cup kagabi sa JCSGO Gym sa Cubao.
Kumolekta si Fil-American forward Kelly Williams ng 19 markers, 15 boards at 2 assists para banderahan ang Wizards kumpara sa 1 puntos na ginawa ni Fil-Am Anthony Washington sa tropa ng Paintmasters, nabaon sa 34-58 sa kaagahan ng fourth period.
Mula sa maikling 30-23 abante sa first half, nagposte ang Magnolia-FEU ng isang 17-point lead sa pagsasara ng third quarter patungo sa 58-34 pangunguna sa Welcoat sa unang tatlong minuto ng final canto.
Umiskor naman si Reed Juntilla ng 13 puntos para pamunuan ang Montaña sa 64-58 paggapi sa Granny Goose Kornets, habang nag-ambag ng tig-12 puntos sina Jon Dan Salvador at American Alex Compton.
Ang krusiyal na jumper ng 59 na si Compton sa nalala-bing 41.1 segundo ang nag-akay sa Jewels sa 62-58 lamang makaraan ang isang 3-pointer ni Jet Latonio para sa Snackmasters. (Ulat ni RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended