Ang unang bahagi ng 10-stage 11-day race na ito na hatid ng Tanduay sa tulong ng Department of Tourism ay tila naging showdown sa pagitan ng 1998 Centennial Tour champion na si Davadilla at ng 2004 Tour Pilipinas titlist na si Tanguilig na siyang humahawak ng ikalawang posisyon.
Matapos kunin ng 2002 Tour of Calabarzon champion na si Santy Bar-nachea ang Marikina-Lucena Stage 1, nagpa-ramdam na si Davadilla sa kanyang kampanyang agawin ang korona kay Tanguilig nang kunin nito ang Lucena-Tagaytay Stage 2 at ang Individual Time Trial na Tuy, Batangas-Tagaytay Stage 3.
Kumilos naman ang Atilano brothers sa Malolos-Olongapo Stage 4 nang magtala ng 1-2 finish si Lito at Elmer habang pinatuna-yan naman ng Tour of Hundred Islands champion na si Frederick Feliciano ng VAT Riders na siya ang bagong hari sa balwarte ng mga Pangasinan riders nang kanyang kunin ang Olongapo-to-Alaminos Stage 5.
Nagkaroon ang 81-riders ng pagkakataong makapagpahinga at makapag-ensayo sa harap ng magandang tanawing Hundred Islands na ipinagmamalaki ni Alaminos City Mayor Hernani Braganza na nagbigay ng parangal sa 22 Pangasinan riders na nagkampeon sa Tour at iba pang malalaking karera.
Isusuot pa rin ni Davadilla na mayroon nang naipong P32,000 -- P20,000 sa kan-yang dalawang sunod na Stage wins at P12,000 sa kanyang apat na beses na pagkuha sa overall individual leadership- ang yellow jersey para sa pinakamahabang karera ng PhilCycling sanc-tioned race na ito na Lingayen-Vigan Stage 6 na may distansiyang 225km.
Sa kasalukuyan, hawak ni Davadilla ang 2:25 minu-tong distansiya kay Tanguilig sa kanyang oras na 14-hours, 54-minutes at 32-seconds matapos ang limang yugto ng karera na suportado ng Sunbolt (official sports drink), Summit (official water), Osaka Iridology, Island Souvenirs, PhilAm Life at Nestle Power Bar, Elixir bike shop at Vittoria na gamit sa neutral support vehicles.
Hindi naman nakakalayo kay Davadilla si Reynaldo Navarro ng Customs na may 2:50 minutong distansiya kasunod sina Fernando Alagano ng Customs (3:17), Alvin Benosa ng Touch Mobile (3:30), Feliciano (3:34); 2003 Tour champion Arnel Quirimit ng Tourism (4:06); Barnachea (5:11); Benito Lopez Jr. ng Metro Drug (5:33) at ang kanyang kasamahang si Lito Atilano (5:37).
Sa labanan para sa P700,000 team prize, nangu-nguna ang Metro Drug sa total time na 55-hours, 25-minutes at 33-seconds kasunod pa rin ang Colt 45 na may 4:51 minuto nang distansiya at Guererro Brandy na 5:30 minuto ang agwat.