16th FIBA-Asia Championship Cup: Iran vs RP-San Miguel

Pagkatapos payukurin ang Indian cagers at igupo ang Kazakhstan-Tobol, target ng Philippine Team-San Miguel ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa eliminasyon ng 16th FIBA-Asia Cham-pion’s Cup sa Araneta Coliseum.

Tangan ng Nationals ang 2-0 karta sa Group A bago sagupain ang Iran-Saba Battery ngayong alas-7:15 ng gabi matapos ang upakan ng nag-dedepensang Lebanon-Sagesse at Kazakhstan-Tobol sa alas-5 ng hapon.

Sa tropa ng Iran-Saba Battery, si American Andre Doran Pitts ang inaasahang sasaraduhan ng depensa ng RP-San Miguel.

Huling nagkampeon ang mga Pinoy sa naturang torneo noong 1996 nang giyahan nina American Tony Harris at Chinese Ma Jian ang Hapee Toothpaste ni Junel Baculi. (Ulat ni R.Cadayona)

Show comments