Well, for sure para doon sa mga players na matagal nang hindi nakakasama ang kanilang mga dating-kateammate ay punum-puno ng alaala ito para sa kanila.
Tulad nina Alan Caidic, Hector Calma at Samboy Lim, Mon Fernandez, Manny Paner, Atoy Co, Bogs Adornado at Philip Cesar, eh talagang masaya ito. Kasi sa totoo lang masaya naman talaga ang PBA noong time nila. At yun ay matagal na.
Kahit na noong time nina Alvin Patrimonio, Ronnie Magsa-noc, Benjie Paras, Ato Agustin at Johnny Abarrientos ay masaya pa rin. Noon yun kasi ngayon, matamlay na matamlay ang PBA.
Ano kaya ang problema?
Pero at least enjoy sila at memorable para sa kanila ito.
Di kaya senyales ito na tanggap si Jawo sakaling magkatotoo ang tsismis na siya ang papalit na PBA commissioner?
O well, nababagay naman talaga si Jawo sa pagiging PBA commissioner kasi dito na halos niya ibinuhos ang karamihan ng kanyang panahon at dito siya sumikat at nakilala. Alam na rin ni Jawo ang in and out ng PBA.
So palagay ko mas bagay siyang maging PBA commissioner. Baka sakaling muling mabuhay ang lumalamyang kulay ng unang professional league sa Asya.
Bakit?
May sama kaya ng loob si PBA commissioner Noli Eala kay Bernardino?
Nagtatanong lang po.