Iran naka-dalawa na
May 31, 2005 | 12:00am
Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Iran-Saba Battery makaraang igupo ang Indian cagers, 94-50 sa elimination ng 16th FIBA-Asia Champions Cup sa Araneta Coliseum kahapon.
Kumana ang American reinforcement na si Andre Doran Pitts ng isang triple-double performance mula sa kanyang 22 puntos, 12 rebounds at 10 assists upang ihatid ang mga Iranians sa 2-0 karta sa Group A, samantalang natikman naman ng Indians ang kanilang 0-2 baraha.
Unang tinalo ng Iran ang nagdedepensang Lebanon-Sagesse, 71-51 habang ang Indian ay inilampaso ng RP-San Miguel, 81-49.
Sa unang laro, tinalo ng Qatar-AlRayyan ang United Arab Emirates-Sarjah, 101-44, na tinampukan ng 28 marka at 17 boards ni Chameed Saleem Abdullah para sa kanilang unang asignatura. (Ulat ni RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended