^

PSN Palaro

Alaminos kay Feliciano

-
ALAMINOS, Pangasinan – Sa balwarte ng mga Pangasinense, isang Novo Ecijano ang nanguna upang patunayang siya ang bagong hari sa lugar na ito.

Bitbit ang alaala ng kanyang nakaraang tagumpay sa tatlong araw na Tour of Hundred Islands noong nakaraang Abril, nagtagumpay ang Vat Riders team captain na si Frederick Feliciano sa kanyang planong kunin ang Olongapo-Alaminos Stage 5 kahapon ng kasalukuyang Golden Tour 50@’05

Maaga pa lamang ay sumama na sa lead pack ang 27-gulang na si Feliciano, tubong Allaga, Nueva Ecija, bago ito kumawala kasama si Alfred Asunsion ng Tourism na kanyang iniwanan bago pumasok sa bayang ito at solong tawirin ang finish line sa Lucap kung saan matatanaw ang mga isla sa ipinagmamalaking tourist spot ng bayang ito mata-pos ang apat na oras, 23-minuto at 13-segundong pagtahak ng 205.50 kilo-metrong karera.

"Talagang plano kong kunin ang stage na ito kaya sa una pa lang sumama na ako sa breakaway at hindi ako tumigil dahil gusto kong makakuha ng malaking oras," wika ng RP team member na si Feliciano na naka-bronze medal sa cross country sa Vietnam SEA Games noong 2003. Akala ko dun sa Alaminos ang finish line kaya maaga kong tinodo yun pala dito sa Lucap kaya medyo kinapos pa ako."

Bago lumabas sa bayan ng Mabini sa huling King of the Mountain stretch, umagwat na si Feliciano kay Asunsion tungo sa kanyang pagkopo ng P10,000 stage prize at pagsulong sa ikaanim na puwesto mula sa ika-18th place sa overall individual standings kung saan nanatili pa ring nangunguna si Colt 45 Team captain Warren Davadilla na sinusundan pa rin ng defending champion na si Rhyan Tanguilig ng PLDT.

Kasama sina Davadilla at Tanguilig sa main peloton na tumawid ng finish line na 6:23 minutong huli kay Feliciano kaya nanatili ang 2:25 minutong distansiya ni Tanguilig kay Davadilla na may kabuuang oras na 14-hours, 54-minutes at 32-seconds.

Maliban sa dalawa ay nabalasa na ang top-10 kung saan umakyat si Reynaldo Navarro ng Customs sa third place mula sa ikasiyam na puwesto na may 2:50 minutong distansiya na lamang kay Davadilla kasunod sina Fernando Alagano ng Metro Drug (4th) na nanggaling sa fifth place, (5th) Alvin Benosa ng Touch Mobile na nalaglag mula sa third place, (6th) Feliciano mula sa 18th, (7th) 2003 Tour Pilipinas cham-pion Arnel Quirimit ng Tourism mula sa 11th, (8th) Stage 1 winner at Tour of Calabarzon champion Santy Barnachea ng Touch Mobile na bumagsak mula sa fourth, Benito Lopez Jr. ng Metro Drug na nalaglag mula sa 7th at ang kanyang kasamahang si Lito Atilano, Stage 4 winner galing sa 13th place.

Nasiraan ng bisikleta ang kasama ni Feliciano sa breakaway na si Asunsion kaya nakuha ni Emerson Obosa ng Go21 ang stage runner-up at ang P5,000 premyo kaya umakyat ito sa 11th overall mula sa 19th place, at ikatlo si Orly Villanueva na may P3,000.

Magkakaroon ng restday ngayon ang PhilCycling sanctioned 10-stage 11-day race na ito na hatid ng Tanduay sa tulong ng Department of Tourism, Sunbolt (official sports drink), Summit (official water), Osaka Irido-logy, Island Souvenirs, Phil-Am Life at Nestle Power Bar, Elixir bike shop at Vittoria na gamit sa neutral support vehicles.

Sa overall team competition kung saan nakataya ang P700,000 na premyo, nanatili pa ring nangunguna ang Metro Drug sa total time na 55-hours, 25-minutes at 33-seconds kasunod pa rin ang Colt 45 na may 4:51 minuto nang distansiya at Guerrero Brandy na 5:30 minuto ang agwat. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ALFRED ASUNSION

ALVIN BENOSA

ARNEL QUIRIMIT

ASUNSION

BENITO LOPEZ JR.

CARMELA V

DAVADILLA

FELICIANO

MULA

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with