Indian giba sa RP-San Miguel
May 30, 2005 | 12:00am
Halos hindi man la-mang kinabahan ang Philippine Team-San Miguel Beer sa kanilang unang asignatura.
Giniba ng RP-San Miguel ang Indian Cagers sa pamamagitan ng isang 81-49 panalo sa pagsisi-mula ng aksyon sa 16th FIBA-Asia Champions Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Itinarak ng Nationals ang isang 19-point advan-tage sa 28-9 matapos ang dalawang charities ni Willie Miller sa huling 2:28 sa first quarter bago tabu-nan ang mga Indians sa 41-17 galing sa isang salaksak ni Jimmy Alapag sa natitirang 1:05 sa second period.
Isang jumper ni Mark Caguioa ang naglatag sa malaking 79-45 bentahe ng RP-San Miguel sa huling 2:11 sa final canto para selyuhan ang pag-giba sa Indian cagers.
Sa unang laban, tinalo ng Iran-Saba Battery ang nagdedepensang Leba-non-Sagesse, 71-51, mula sa tinipang 24 pun-tos ni import Andre Doran Pitts.
Pinamunuan nina Fadi Khatib at Bassem Omar Balla ang Lebanon-Sagesse sa kanilang 15 at 12 marka, ayon sa pagkakasunod.
Sumikwat rin ng ta-gumpay ang Kuwait Club nang takasan ang Syria-Sheriff Army, pinamunuan ng game-high 32 marka ni Filipino Anthony Rut-land, sa extension, 89-85. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended