^

PSN Palaro

Umaatikabong bakbakan ng DLSU at UST ngayon

-
Isa na namang klasi-kong bakbakan ang ma-sasaksihan sa pagpapa-tuloy ng aksiyon sa 2005 Shakey’s V-League first conference sa pagha-harap ng mahigpit na magkaribal na La Salle at University of Santo Tomas sa Rizal Coliseum.

Bagamat angat ang Lady Archers ng dala-wang laro kontra sa defending champions, patas ang laban sa ganap na alas-5 ng hapon kung saan asam ng Tigress na pigilan ang pananalasa ng La Salle habang sisi-mulan na rin nilang maka-bangon sa hindi magan-dang panimula.

Iginupo ng Lady Archers ang nangungu-nang San Sebastian spikers sa lopsided 25-23, 25-18, 25-20 panalo noong Sabado at agawin ang trangko sa kanilang 4-0 marka.

Muling sasandal ang La Salle sa malakas na tambalan nina Maureen Penetrante at Michelle Carolino sa kanilang pakikipagtagpo sa mala-kas na pares din ng Tigress na sina Roxanne Pimentel at Mary Jean Balse.

Samantala, tangka ng Ateneo na manatili sa kanilang ikatlong puwesto sa kanilang pakikipag-laban sa Lyceum College sa ganap na alas-3 ng hapon sa event na hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.

Suportado ng maga-ling na troika nina Mi-chelle Laborte, Amelia Guanco at Cecille Ta-buena, naungusan ng Lady Eagles ang upset-conscious Lady Tama-raws, 28-30, 25-20, 25-21, 28-26, upang okupa-han ang No. 3 spot na may 3-2 record.

Sa kabilang dako kulelat naman ang Lady Pirates na wala pang panalo.

AMELIA GUANCO

CECILLE TA

JEMAH TELEVISION

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LADY PIRATES

LADY TAMA

LYCEUM COLLEGE

MARY JEAN BALSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with