^

PSN Palaro

Magkapatid na Atilano sa Olongapo

- Carmela Ochoa -
OLONGAPO City -- Sa kauna-unahang pagkaka-taon, natikman ni Lito Atilano na manalo ng Stage at nagawa niya ito kasama ang kanyang kapatid na si Elmer na kasabay niyang tumawid sa finish line, bagay na bihira lamang mangyari sa kasay-sayan ng karera ng bisikleta.

Nagtala ng 1-2 finish ang Atilano brothers sa 133.06-kms. Malolos-Olongapo Stage 4 na kanilang tinapos sa loob ng tatlong oras at 8:37 minuto upang buhatin ang Metro Drug sa pangu-nguna sa overall team standings ng Golden Tour 50@’05 kahapon.

Matapos mapasama sa 5-man break away group na kinabibilangan nina Emerson Obosa ng Go21 at ng Colt 45 riders na sina Carlo Jasul at Johnny Dasalla na nabuo bago pumasok sa Bataan, kumawala ang magkapatid na Atilano sa zigzag road at pinagtulungan nilang maka-distansiya sa mga kalaban para sa katuparan ng kanilang planong iangat ang team.

Dahil sa mga Atilanos, anak ng frustrated cyclist na si Emilio na isang karpintero, naagaw ng Metro Drug sa Colt 45 ang liderato para sa labanan sa P700,000 team champion prize sa nalikom na 37-hours, 39-minutes at 17.25 seconds.

Mula sa 15-segundong deficit madaling binura ng Metro Drug na may 3:19 minuto nang distansiya sa dating leader na Colt 45 habang may 5:42 minuto namang agwat ang Guerrero Brandy.

Sa likod ng malakas na pagtatapos ng magkapatid na Atilano, napanatili naman ni 1999 Centennial Tour champion Warren Davadilla ng Colt 45 ang pangunguna sa overall individual gayundin ang kanyang distansiya sa defending champion na si Rhyan Tanguilig ng PLDT na kasama niya sa ikalawang malaking grupo ng mga siklistang tumawid sa finish line na binubuo ng 37-riders.

"Medyo nabantayan ako kaya hindi ako nakawala," ani Davadilla na mayroon pa ring 2:25 minutong distansiya laban kay Tanguilig sa kanyang kabuuang oras na 10-hours, 24-minutes at 55-seconds at 3:30 distan-siya sa pumapangatlong si Alvin Benosa ng Touch Mobile matapos ang apat na araw ng Golden Tour na suportado ng Sunbolt (official sports drink), Summit (official water), Osaka Iridology, Island Souvenirs, PhilAm Life at Nestle Power Bar at sanctioned din ng Phil-Cycling.

Isusuot ni Davadilla sa ikaapat na sunod na pagka-kataon ang yellow jersey tanda ng overall individual leader at green jersey naman kay Lito Atilano sa pinaka-mahabang karera ng Tour, ang 205-km Olongapo-Alaminos Stage 5 na sisimu-lan ng alas-8:00 ng umaga.

Samantala, nadamay sa semplangan ang sprint expert at ang winner ng stage na ito noong nakaraang taon na si Guerrero Brandy team captain Enrique Domingo, Star carrier, nang sumalpok si Roberto Pagala ng PLDT sa isang trak kung saan nasira ang kanyang bisikleta at nagtamo ito ng sugat sa tuhod at pamamaga ng kaliwang balikat ngunit nakabawi ito at nakasama sa unang malaking grupo na binubuo ng 18-siklista na tumawid ng finish line habang si Pagala ay ang ika-81 at huling siklistang nakatapos ng karera.

ALVIN BENOSA

ATILANO

CARLO JASUL

CENTENNIAL TOUR

DAVADILLA

EMERSON OBOSA

ENRIQUE DOMINGO

GOLDEN TOUR

GUERRERO BRANDY

LITO ATILANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with