Nagsosyo sina Amelia Guanco, Michelle Laborte at Cecille Tabuena sa 22 puntos lamang ngunit ang kanilang pagpasok ang kailangan ng Lady Eagles lalo na sa huling tatlong sets upang malusutan ang ilang beses na pagtatang-kang rally ng Lady Tamaraws.
Ito ang ikatlong panalo ng Ateneo na may dalawang kabiguan.
Sa ikalawang laro, ipinakita ng La Salle ang pangkampeonato nilang porma nang igupo nila ang San Sebastian Lady Stags, 25-23, 25-18, 25-20.
Ito ang ikaapat na panalo ng La Salle sa gayundin karaming laro na naglagay sa kanila sa tuktok, habang nalasap naman sa San Sebastian ang unang kabiguan.
Sa katunayan, ang mga varsity players na sina Rosario Soriano at Patricia Taganas ang nanguna sa atake ng Ateneo sa kanilang 14 at 11 hits, ayon sa pagkakasunod ngunit hindi sumuko ang Lady Tama-raws at nangailangan ang Lady Eagles ng tulong ng tatlong bayani.