2005 PBL Unity Cup: Harbour Centre o Granny Goose
May 28, 2005 | 12:00am
Ito na ang pinakahuling tsansa ng Harbour Centre upang makaabante sa semifinal round.
Muling sasagupain ng No. 3 Port Masters ang No. 6 Granny Goose Snackmasters ngayong alas-3:30 ng hapon para sa isang do-or-die match sa quarterfinals ng 2005 PBL Unity Cup sa Blue Eagle Gym sa Ateneo.
Tatlong ulit nabigyan ang Harbour ng pag-asang makapasok sa semis, ang huli ay nang gitlain sila ng Granny Goose, 78-76, kamakalawa.
"Frankly, I dont know what went wrong with the team, we lost three straight games," wika ni team manager Gil Cortez sa Port Masters. "I just hope we can arrest our alarming skid. Its a must for us."
May kargang twice-to-beat privilege ang Harbour ni Tonichi Yturri kontra sa Granny Goose ni Jun Tan sa quarterfinals.
Puntirya ng Snackmasters na makaabante sa semis sa ikalawang sunod na pagkakataon sapul nang sumali sa liga noong nakaraang taon.
Ayon sa nakakahilong format, ang panalo ng Harbour ang magtatakda sa kanilang best-of-five semifinals series ng No. 2 Welcoat Paints, habang haharapin naman ng No. 1 Montaña Pawnshop ang No. 4 Magnolia-FEU.
Hahamunin naman ng Granny Goose ang Montaña kung sila ang mananalo. (Ulat ni Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended