^

PSN Palaro

Golden Tour 50@’05: Davadilla rumemate sa Tagaytay

-
TAGAYTAY City -- Bigo man si Warren Davadilla sa kanyang pagtatangka sa Stage 1 napagbigyan naman siya ngayon.

Nasuklian ang lahat ng pagod at hirap ng Colt 45 team captain na si Dava-dilla nang kunin nito ang overall leadership matapos angkinin ang ikalawang stage ng Golden Tour 50@’05 na nagbuhat sa Lucena City patungo sa mataas at malamig na bayang ito matapos maki-pagrematehan sa 2004 Tour Pilipinas titlists na si Rhyan Tanguilig ng PLDT papasok sa finish line sa matarik na Palace in the Sky sa People’s Park dito.

Isang gulong lang ang agwat ng 30-gulang na national team member na si Davadilla, 1998 Cen-tenial Tour champion, kay Tanguilig papasok sa finish line nang sabay nilang tapusin ang 91.09 kilometrong karera na tinampukan ng matarik na akyatin mula sa Talisay, Batangas paakyat ng Tagaytay sa loob ng dalawang oras, 43 minuto at tatlong segundo.

"Kaya naman niya (Tanguilig) manalo, siguro gusto rin niya na ako ang manalo," wika ng national team member na si Davadilla na naunsiyami sa Stage 1 Marikina-Lucena na pinagwagian ni Santy Barnachea.

Bago umakyat sa People’s Park, nangu-nguna pa si Danny Ganigan ng Guerrero Brandy ngunit nilamon ito nina Tanguilig at Davadilla kasama si Oscar Rendole ng Tourism na naiwanan din nang masiraan ito ng bisikleta.

Patungo sa Individual Time Trial na 35.5 kilometrong Tuy, Batangas-Tagaytay Stage 3 ng 10-stage 11 days race na ito na hatid ng Tanduay Gold Rhum, hawak ni Davadilla ang kabuuang oras na 6-hours, 11-minutes at 21-seconds na may 1:51 minutong distansiya sa pumapangalawang si Tanguilig sa individual overall.

Nasa ikatlong puwesto si Alvin Benosa ng Touch Mobile na siya ring third placer na may P3,000 na may distansiyang dalawang minuto kay Davadilla na magsusuot ng yellow jersey ngayon tanda ng overall leadership sa Golden Tour na suportado ng Sunbolt (official sports drink), Summit (official water), Osaka Iridology, Island Souvenirs, PhilAm Life at Nestle Power Bar na kinilala din ng PhilCycling.

Nangunguna rin si Davadilla sa King of the Mountain sa kabuuang 15-puntos matapos uma-ni ng 10-puntos kahapon kasunod sina Benosa at Tanguilig na may 10 at 7-puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa team competition kung saan nakataya ang P700,000 na premyo, nangunguna na ang Colt 45 na may total time na 25-oras at 47 segundo na may 15-segundong distansiya lamang sa pumapangala-wang Metro Drug at 2:30 minutong agwat sa ikatlong Guerrero Brandy. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

vuukle comment

ALVIN BENOSA

BATANGAS-TAGAYTAY STAGE

CARMELA V

DANNY GANIGAN

DAVADILLA

GOLDEN TOUR

GUERRERO BRANDY

INDIVIDUAL TIME TRIAL

ISLAND SOUVENIRS

TANGUILIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with