^

PSN Palaro

Gran Matador PBA Fiesta Cup: Beermen nalo din

-
Humakot si Dorian Peña ng 27 puntos, mula sa matuwid na 13-for-16 fieldgoals, at 10 rebounds para tulungan ang San Miguel sa 106-78 pagdurog sa FedEx at sikwatin ang isang playoff berth sa classification phase ng 2005 Gran Matador PBA Fiesta Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Ang naturang panalo ang nagbigay sa Beermen ng 11-7 rekord kagaya ng Alaska Aces.

Kung nanalo rin ang Talk N Text Phone Pals (11-6) sa Ginebra Gin Kings (8-9) sa ikalawang laro kagabi na magbibigay sa kanila ng unang outright semifinals ticket, isang playoff game ang papasukan ng San Miguel kontra sa Alaska para sa ikalawang outright semis slot.

Ang kabiguan naman ng Phone Pals sa Gin Kings ang maghahanay sa kanila ng Aces sa playoff kasabay ng pagkuha ng Beermen sa unang outright semis ticket bunga ng kanilang superior quotient.

Ibinasura ng San Miguel ang itinayong 11 puntos na kalamangan ng FedEx, na may 9-9 rekord ngayon at posibleng mahulog bilang No. 5 laban sa No. 8 Purefoods kung nanaig ang Talk N Text at No. 7 kontra No. 6 Red Bull kung nanalo ang Ginebra, sa second period para ilista ang kanilang 81-66 abante sa pagpinid ng third quarter.

At mula rito ay hindi na lumingon pa ang Beermen, nakakuha ng 6 puntos at 11 boards sa bagong hugot na si Tommy Smith, pansa-mantalang pinalitan ang nabiktima ng food poisoning na si Chris Burgess.

Iginuhit ng 1989 Grand Slam champions ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 22-pun-tos, 96-74, galing sa split ni Dondon Hontiveros sa huling 3:20 ng final canto.

Bagamat hindi makakarating sina Francis Arnaiz at Danilo Floren-cio, bibigyan pa rin ng Robert Jaworski-coach ng TM Greats ang TM Legends ni coach Virgilio ‘Baby’ Dalupan ng matinding laban.

Siniguro ni PBA Commissioner Noli Eala at ni Dalupan kahapon na bibigyan nila ng memorable at kapana-panabik na gabi ang mga basketball crazy fans sa paglalaban ng dalawang koponan ngayong alas-7:30 ng gabi sa laban na tinaguriang "Greatest Game" na idaraos sa pagdiriwang ng ika-30th anibersaryo ng liga.

Samantala, kasalukuyang naglalaro pa ang Talk N Text at Ginebra habang sinusulat ang balitang ito. (R Cadayona)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BEERMEN

CHRIS BURGESS

COMMISSIONER NOLI EALA

DALUPAN

DANILO FLOREN

DONDON HONTIVEROS

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with