Solo liderato naagaw ng SSC Lady Stags
May 27, 2005 | 12:00am
Binugbog nina Cherry Rose Macatangay at Jennifer Bohawe ang mahusay na net defense ng Ateneo nang hatakin ng San Sebastian ang marathon na 25-21, 22-25, 18-25, 25-18, 15-10 panalo at agawin ang solo liderato sa 2005 Shakeys V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum.
Nagpakawala ng game high 34 hits si Macatangay kabilang na ang 32 sa atake, habang umiskor naman si Bohawe ng 23 sa kanyang 24 points sa kills nang makawala ang Lady Stags sa pagkaka-tabla sa walang laro na La Salle at kontrolin ang torneo na may apat na sunod na tagumpay sa torneong hatid ng Shakeys Pizza.
"Hindi sumuko ang mga bata kahit medyo maganda ang blocking ng kalaban," ani San Sebastian coach Roger Gorayeb.
Panandali, sumakay ang San Sebastian sa three-game winning streak at halos hawak na ang momentum matapos kunin ang first set.
Ngunit hindi sumuko ang Lady Eagles at imbes ay nagbigay ng solidong depensa na trinangkuhan ni Michelle Laborte, dating Lyceum mainstay na bumigo sa lahat ng tirang pinapakawalan ng Mendiola-based spikers at nakuha ng Ateneo ang 2-1 abante.
Gayunpaman, nakakita ng paraan sina Macatangay at Bohawe para matakasan si Laborte nang walang humpay na binugbog nila ang net sa natatanging pagpapamalas ng shotmaking para bitbitin ang Lady Stags na kunin ang sumunod na dalawang sets.
Ang tagumpay ay isang magandang pangitain para sa San Sebastian na makaka-harap ang La Salle na wala pa ring talo sa tatlong sunod na tagumpay sa inaasahang preview ng finals sa kumperensiyang ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc. at suportado ng Accel, Mikasa, Jemah Televi-sion at IBC 13.
"Isa pang malaking pagsubok sa amin ito dahil alam naman natin na isa sila sa malalakas na team dito," patungkol ni Gorayeb sa 2004 second conference titlist La Salle.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended