^

PSN Palaro

Golden Tour 2005: Barnachea nagparamdam na

-
LUCENA CITY – Matapos magkampeon sa Tour of Calabarzon noong 2002, hindi naging matunog ang pangalan ng national team member na si Santy Barnachea ngunit gumawa ito ng ingay nang kunin nito ang unang stage ng Golden Tour 50@‘05 na lumarga kahapon.

Pinangunahan ng 29-gulang na si Barnachea, tubong Umingan, Pangasinan, ang 21-kataong sunud-sunod na pumasok ng finish line sa loob ng tatlong oras, 28-minuto at 28 segundo matapos tahakin ang pambungad na 125-kilometrong Marikina-Lucena lap ng 10-stage, 11-day race na ito na itinaguyod ng Tanduay sa pagdiriwang ng ika-50th taon ng pinakaaabangang summer sports spectacle sa bansa.

Matiyagang naghabol mula third group ang team captain ng Touch Mobile na si Barnachea, ng isang minuto at 16 segundong distansiya sa lead group na pinangungunahan ng nagsosolong breakaway na si Nelson Herrera na kanyang nakarematehan papasok ng finish line kasama si Baler Ravina, ang team skipper ng Go21.

Sumegunda kay Bar-nachea si Ravina na may P5,000 bilang stage runner up kasunod si Benito Lopez Jr. na may P3,000 bilang third place habang nagtapos bilang fourth placer lamang si Herrera na nagtangkang kumawala sa lead group sa may parteng Louisiana, Laguna ngunit inabot din ito ng grupo papasok sa bayan ng Lucena.

Naging maalat naman ang simula ng kampanya ni 2004 Tour Pilipinas titlists Rhyan Tanguilig, ang last minute entry matapos pagbigyan ng mga organizers ang kan-yang apela para mai-pagtanggol ang korona.

Sa kaagahan pa lamang ng karera ay dumanas na ng mechanical problem si Tanguilig sa may parteng Bugarin at hindi na ito nag-karoon ng pagkakataong magpalit ng bisikleta kaya nahirapan na itong humabol at tumawid sa finish line kasama ng 31-man second group na may 1.47 minutong distansiya sa lead group.

Kasama sa first group sina Customs team captain Eusebio Quinones at Colt 45 team skipper na si Davadilla habang kasama naman sa ikalawang grupo ni Tanguilig sina 2003 champion Arnel Quirimit ng Tourism, Star carrier Enrique Domingo ng Guerrero Brandy at Frederrick Feliciano ng Vat Riders.

ARNEL QUIRIMIT

BALER RAVINA

BARNACHEA

BENITO LOPEZ JR.

ENRIQUE DOMINGO

EUSEBIO QUINONES

FREDERRICK FELICIANO

GOLDEN TOUR

GUERRERO BRANDY

NELSON HERRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with