PBL Unity Cup: Simula ang bakbakan sa finals
May 26, 2005 | 12:00am
Sasamantalahin ng Harbour Centre at ng Magnolia Ice Cream ang pagkakaroon ng bentahe kontra sa kanilang mga kalaban sa pagbubukas ng quarterfinal round ngayon ng PBL Unity Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.
Biniyayaan ang Port Masters at ang Magnolia Ice Cream-FEU ng bentaheng twice-to-beat na insentibong ibinigay sa No. 3 at 4 teams sa pagtatapos ng eliminations.
Dahil dito, isang panalo lamang ang kanilang kailangan para makapasok sa semifinal round at dalawang beses naman sila kailangang talunin ng kalaban.
Makakasagupa ng Harbour Centre ang No. 6 team na Granny Goose Kornets sa pambungad na laro, alas-2:00 ng hapon habang ang Toyota Otis-Letran naman ang haharapin ng Magnolia Wizards sa dakong alas-4:00.
Naunsiyami ang Port Masters sa awtomatikong semifinals matapos ang 87-92 pagkatalo laban sa Welcoat sa kanilang playoff game kamakalawa na bumasag ng kanilang pagtatabla sa No. 2 spot sa 8-3 record.
Bunga nito, dumiretso sa semifinals ang Paint Masters kasama ang No. 1 na Montaña Pawnshop. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am