^

PSN Palaro

Ginebra may tsansa pa

-
Nagkaroon ng linaw ang tsansa ng Ginebra na makasama sa best-of-three wild card phase matapos ang 106-97 panalo laban sa FedEx kagabi sa pagpapatuloy ng umiinit na eliminations ng Gran Matador PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Bagamat patuloy pa ring suspendido si Eric Menk, sumandal ang Ginebra kina import Andre Brown at Mark Caguioa tungo sa kanilang ikawalong panalo matapos ang 17-laro na nagpalakas ng kanilang tsansang makaiwas sa No. 9 position na may twice-to-win dis-advantage.

Para masigurong sa best-of-three series sila mahahanay kung saan ang pairing ay No. 5 versus 8 at No. 6 versus 7, kailangan nilang manalo laban sa Talk N Text (11-6) na naghahabol naman sa awtomatikong semifinal slot, sa Biyernes.

Sa pagkatalong ito, obligado ang Express na ipanalo ang huling laro at umasang magkaroon ng pagtatabla para sa huling outright semis slot na reresolbahin ng playoff.

Tatapusin naman ngayon ng apat na koponan ang kanilang elimination campaign sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Makati Coliseum.

Sa alas-4:45 ng hapon, maghaharap ang Alaska at ang Purefoods at sa ikalawang laro, alas-7:35 ng gabi ay ang engkwentrong Coca-Cola at Shell Velocity.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Red Bull at ang San Miguel.

ANDRE BROWN

ARANETA COLISEUM

ERIC MENK

FIESTA CONFERENCE

GINEBRA

GRAN MATADOR

MAKATI COLISEUM

MARK CAGUIOA

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with