Tanguilig umapela sa Golden Tour
May 25, 2005 | 12:00am
Umapela kahapon si 2004 Tour Pilipinas champion Rhyan Tanguilig sa organizers ng Golden Tour 50@05 para makasama ito sa 10-stage race na papadyak bukas sa Marikina City.
Isa sa malakas na konsiderasyon sa apela ni Tanguilig ay ang kanyang performance noong nakaraang taon, kayat pinag-iisipan ngayon ng organizers ang panawagan ng siklistang tubong Aritao, Nueva Vizcaya.
Natanggap na ng organizers-- ang Dynamic Outsource Solutions Inc. at T&G Tourism and Development Corp.-- ang verbal appeal ni Tanguilig at hinihintay na lamang ang formal request nito.
Samantala, ibabandera na-man ang Department of Tourism bilang isa sa siyam na kalahok na koponan sa Golden Tour na ipiniprisinta ng Tanduay.
Makakasama ng Tourism squad ang Guerrero Brandy, Colt 45, Go21, Touch Mobile, PLDT at advocacy teamsCustoms R.A.T.S ng Customs Commis-sioner at PhilCycling president Bert Lina at BIR Vat Riders ni Commissioner Guillermo Parayno.
May 81 riders ang hinati sa siyam na teams at ito ay ang Colt 45 ni Warren Davadilla, Guerrero Brandy ni Enrique Domingo, Touch Mobile ni Santy Barnachea, PLDT ni Arnel Quirimit, Go21 ni Baler Ravina, Vat Riders ni Eusebio Quinones, Customs ni Reynaldo Navarro at Tourism ni Frederick Feliciano.
Ang ika--9th team sa Golden Tour na ang major sponsor ay ang Sunbolt (official sports drink), Summit (official water), Osaka Iridology na magbibigay ng uniporme sa mga siklista at miyembro ng entourage, Island souvenirs, PhilAm Life at Nestle Power Bar ay pamamahalaan ni Lito Atilano.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest