Nakakita na ako ng malaking billboard ng SEA Games sa may EDSA (malapit sa may Heritage Hotel).
Nabuksan ko na rin ang kanilang website.
Bagamat hindi pa rin ito sapat para gisingin ang awareness ng mga Pinoy sa pagho-host natin ng SEA Games (sa November na ito this year) at least theyre trying their best.
Sana rin ngayon pa lang samantalahin na rin ng Globe Telecoms ang pagkakataon. For sure nakapag-print na sila ng mga prepaid cards na ang design ay SEA Games.
Ang alam ko (pero di ko na-check) ang ilan sa mga postal stamp natin ay SEA Games na ang design.
Ang alam ko rin may mga souvenir items na rin (in fact may natanggap na nga akong SEAG mug eh). Dapat yata ngayon pa lang ibenta na ito kasi may mga turistang hindi naman makakabalik pagdating ng SEA Games, so dapat ngayon pa lang may bibitbitin na silang souvenir.
Kulang na kulang pa rin ang preparasyon natin para ipakitang tayo ang host ngayon sa biennial event na ito.
Di ba bahagi na rin ito ng tourism ng ating bansa?
Bakit tila hindi yata involved ang Department of Tourism sa pagpo-promote ng SEA Games?
O well, at least nga nagsisikap ang PHILSOC.
Malaking gastusin kasi ang maghost ng international event at walang pera ang gobyerno para dito.
Pero dahil nga sa ipino-promote natin ang ating bansa, at ang Pinas talaga ang naka-schedule (na supposedly ay noong 2001 pa) kailangang ituloy natin ito.
Malaki ang magagawa nito sa turismo at higit sa lahat may kikitain tayo dahil siyempre ang mga delegations ay maninirahan sa mga hotels, bibili ng commodities at iba pang puwedeng produktong Pinoy.
Mabuti na lang nagbago ang isip ni Madam President at itinuloy na rin ang ating hosting. Pero sana naman tulungan ng ibang government agencies ang PHILSOC.
Ang maging matagumpay sa pagho-host ay tagumpay ng Pilipinas at ng lahat ng Pilipino.