^

PSN Palaro

FEU spikers sinakmal ng UST belles

-
Hindi ininda ng defending champion University of Santo Tomas ang pagkawala ni Joyce Pano nang igupo ng Tigress ang Far Eastern University, 25-19, 25-14, 25-12, kahapon at makabalik sa tamang direksiyon sa 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Coliseum.

Bumangon si Roxanne Pimentel mula sa hindi magandang perfor-mance nang kumana ito ng 18 hits na tinampukan ng 12 kills at 2 blocks habang tumirada naman si Mary Jean Balse ng 15 points na naging sapat para punan ang pagkawala ni Pano sa ikalawang sunod na pagkakataon dahil sa pagdadalamhati sa pagkawala ng isang miyembro ng pamilya.

"The team really missed Joyce (Pano) but it’s a nice thing that we still pulled this one," patungkol ni UST coach August Sta. Maria, sa kanilang power-hitting utility spiker, na isa sa susi ng pagkopo ng España-based team sa titulo noong nakaraang taong edisyon sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza.

Mabagal ang simula ng Tigress, ngunit mabilis ding nakarekober tungo sa paggupo sa kanilang kalaban sa torneong ito na suportado ng Accel, Mikasa, Jemah Television at IBC 13.

Nakarekober din si Pimentel, na sorpresang hindi maganda ang inilaro sa tatlong unang laban, ng makipagpalitan ito kay Balse sa sumunod na dalawang sets tungo sa panalo.

Nagdagdag ng 8 hits si Venus Bernal habang si Joan Carpio-Botor na naging sandigan ng UST sa pagwawagi sa tatlong UAAP volley titles noong 1990s, ay nag-ambag naman ng 24 sets para kina Balse at Pimentel.

AUGUST STA

FAR EASTERN UNIVERSITY

JEMAH TELEVISION

JOAN CARPIO-BOTOR

JOYCE PANO

MARY JEAN BALSE

PANO

RIZAL COLISEUM

ROXANNE PIMENTEL

SHAKEY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with